Sunday, September 19, 2010

Supplement to my last post

"You cannot build character and courage by taking away man's initiative and independence."

If taking away man's initiative and independence won't build character and  courage, then what would push man to yield such???

I have pondered on the answer and I was able to pull it out like a eureka moment (thanks to my good 'ol ex)...

The answer is simple... UNDERSTANDING...

You won't be able to motivate anyone unless you know enough. It's like reporting, you can't talk about something you don't thoroughly know. If you just keep on blabbing things just to cover the lack of understanding, people will surely notice it and in the end nothing will be learned (unless someone who really understands starts to talk,right?!).

And after understanding, ACCEPTANCE should follow (this one came from you sweetie). It's not enough that we understand, there are things that we do not have control and we need to accept those things.

Putting these two together wont just build character and courage, it'll also yield trust, comfort and a sense of belongingness... yeah... that's the keywords...


That settles it...


Special Hi to my unknown readers, detractors, critics and old friends...:-)


Thursday, September 16, 2010

Yeah...

"You cannot build character and courage by taking away man's initiative and independence."

  It is unclear if the late Pres. Ronald Reagan or Pres. Abraham Lincoln uttered these words. I am just posting this right now because I feel like posting it.

I read it from Ate Meme's shoutout on YM and it struck me.

That's all I can say for now...


Monday, September 13, 2010

Respect other's right to be different


“Children are completely egoistic; they feel their needs intensely and strive ruthlessly to satisfy them.”
- Sigmund Freud

Isa na namang KEWL na quote. Kaya ansarap mag-blog eh...

e·go·ist
n.
1. One devoted to one's own interests and advancement; an egocentric person.

Oh 'di ba. Parang bata. Walang sinisino. Basta masunod ang gusto. Sabi nga ni Pareng Freud, "ruthless" na, ma-satisfy lang ang needs nila. Kung makapagsalita at gumawa nang aksyon, akala mo sila lang ang tama.

"Yes its true that you gain a certain amount of confidence after achieving a level of expertise.  After reaching perfection, however, you just get plain cocky- lets be humble and feel for those who have achieved less!"
- stanleycruz

Tama si Pareng stanleycruz eh. Kung nasa taas ka, you need to respect your subordinates. Kaya ka nga nasa taas eh, they'll support you down there so you need to keep them. Problem is madalas nakakalimutan na natin kung sa'n ba tayo nanggaling.

Ewan ko ba, malaki galit ko sa mga taong egoistic nitong mga nakaraang araw. Kasi madalas, kung sino 'yung umaastang "diyos", sila pa itong mga walang alam.

Ili-link ko na lang ito sa nakaraan kong post. Isipin mo, kung ang DUE PROCESS ay nakasalalay sa mga isip bata na, EGOISTIC pang pamunuan... Sobrang kawawa naman 'yung mga nasa baba. "Di ba?!

Hindi rin naman nila tatanggapin na egoistic sila eh, dahil ang mga interes, gusto at paniniwala nila, para sa kanila, 'yun ang standard.

Pana-panahon lang siguro 'yun. Kapag masyado ka nang mataas, wala ka naman nang ibang pupuntahan kundi ang bumaba eh. Sana lang 'wag ka bumulusok pababa. Sana hindi pa huli ang lahat... Kapag masyado ka nang mabigat at hindi na sapat ang mga tao sa baba para buhatin ka, babagsak kayo. Lahat kayo... Kaunting ingat...


 


Wednesday, September 8, 2010

Blog when you mean it

"It depends upon the conform, what's important is essential..."

Wala lang, I just need something to ponder on para makapag-blog ulit.

Gusto ko naman talaga mag-blog. Kaya lang kasi ayoko ng overrated stuff. Pag masyado ng marami ang nagbblog, it becomes a trend, parang FB at FS (dati). So much sa pagiging defensive, ang totoo ay gusto ko mag-blog at may nagpaalala sa'kin na gusto ko nga pala mag-blog. (Smile na Honey, oo pinaalala mo lang sa'kin, kala mo dyan).

So ano ang topic ko????? DUE PROCESS...

"The idea that laws and legal proceedings must be fair. The Constitution guarantees that the government cannot take away a person's basic rights to 'life, liberty or property, without due process of law... Due process is best defined in one word--fairness" [http://www.lectlaw.com/def/d080.htm]

Ayan, defined na ang due process. Ang masasabi ko lang, KEWL ang due process kung napapatupad ng maayos. As in KEWL...KUNG napapatupad ng maayos. Ang hirap kasi pag walang ganyan 'di ba? Minsan nga, naiisip kong yan ang ugat ng lahat ng batas, by-laws, or any governing rule sa kahit anong country, state or organization.

What's the point?

Una, sino ang nagjujustify kung ano ba ang "FAIR"??? 'Yung governing body? 'Yung nagformulate ng batas? Or 'yung taong huhusga sa'yo???

Paano kung ang tanging batas na sinusunod ng isang grupo ay binubuo lang ng isa o iilang tao? Paano kung ang depinisyon ng "FAIR" ay malabo, vague kumbaga.

Dyan na kasi pumapasok ang corruption. Kapag ang batas na tinuturing ay 'yung gusto lang ng namumuno. On the spot, huhusgahan niya ang mga bagay-bagay. May desisyon kaagad. Walang mandate ng nakararami. Kapag ganito ang kalakaran, lalalim lang ang problema. Mananatiling nasa taas ang nasa taas. Lalaki ang ulo ng mga succesor nito at gagayahin siya. At siyempre, mananatiling nakalugmok ang nasa baba.

DUE PROCESS, madali lang sana i-define. Kaso anlayo na nito sa katotohanan eh. Ang due process dito sa'tin, katulad lang ng opening statement ko, "depende sa kumporme, ang importante ay mahalaga"... Akala mo ang lalim, magulo lang pala talaga...


Salamat, nakapagsulat ulit ako...

Paalam Hidari Shotaro at Philip-kun... That settles it!