Monday, September 13, 2010

Respect other's right to be different


“Children are completely egoistic; they feel their needs intensely and strive ruthlessly to satisfy them.”
- Sigmund Freud

Isa na namang KEWL na quote. Kaya ansarap mag-blog eh...

e·go·ist
n.
1. One devoted to one's own interests and advancement; an egocentric person.

Oh 'di ba. Parang bata. Walang sinisino. Basta masunod ang gusto. Sabi nga ni Pareng Freud, "ruthless" na, ma-satisfy lang ang needs nila. Kung makapagsalita at gumawa nang aksyon, akala mo sila lang ang tama.

"Yes its true that you gain a certain amount of confidence after achieving a level of expertise.  After reaching perfection, however, you just get plain cocky- lets be humble and feel for those who have achieved less!"
- stanleycruz

Tama si Pareng stanleycruz eh. Kung nasa taas ka, you need to respect your subordinates. Kaya ka nga nasa taas eh, they'll support you down there so you need to keep them. Problem is madalas nakakalimutan na natin kung sa'n ba tayo nanggaling.

Ewan ko ba, malaki galit ko sa mga taong egoistic nitong mga nakaraang araw. Kasi madalas, kung sino 'yung umaastang "diyos", sila pa itong mga walang alam.

Ili-link ko na lang ito sa nakaraan kong post. Isipin mo, kung ang DUE PROCESS ay nakasalalay sa mga isip bata na, EGOISTIC pang pamunuan... Sobrang kawawa naman 'yung mga nasa baba. "Di ba?!

Hindi rin naman nila tatanggapin na egoistic sila eh, dahil ang mga interes, gusto at paniniwala nila, para sa kanila, 'yun ang standard.

Pana-panahon lang siguro 'yun. Kapag masyado ka nang mataas, wala ka naman nang ibang pupuntahan kundi ang bumaba eh. Sana lang 'wag ka bumulusok pababa. Sana hindi pa huli ang lahat... Kapag masyado ka nang mabigat at hindi na sapat ang mga tao sa baba para buhatin ka, babagsak kayo. Lahat kayo... Kaunting ingat...


 


2 comments:

HappyVic said...

hmmm.. egoistic.. mas madali iispell sa chauvinisism (okay lang nahulaan ko pa din nmn eh..hehehe..)

Minsan talaga may nakakalimot na hindi tayo pwede magset ng standard para sa ibang tao. At minsan din, kapag lumagpas na tayo sa boundaries, mas mahirap na bumalik. Hmmmm. On the contrary, kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan.

Enelledan said...

sila yon. diyos sila sa sarili nilang pananaw. pananaw nila tama. howvever,tinamaan din ako dito. bata. na gusto mkuha ung gusto. at pag nkuha msaya na. di na nag isip ng tama. pero ung ugat ng pagsulat mo nito gets ko. ganyan talaga tao. i know you know that. kaw pa. kaya mu nga to sinulat db? just give them the benefit of the doubt. hmm.... nasa taas sila. nsa baba ka. di mo nakikita anong nakikita nila. pero wla silang alam sa tunay mong gngwa. kasi ayaw kn nilang abutin. db? bakit pa nga ba? eh nsa taas na sila. sino kn lang ba naman sa buhay nial? hmmm....