Sunday, May 6, 2012

Thin lines, comparison and a poem

"There's a thin line between crisp and burned..."

Wala lang yan, pauso ko. Natutunan ko habang nagpi-prito ng lechon kawali at sumasayaw kakaiwas sa talsik ng mantika. Pro na 'ko, hindi ko na kailangan takpan habang nagpi-prito, nakaface mask at kevlar na lang ako. Hahaha... (Again, bawal kumontra. Blog ko 'to)

The hell sa pauso ko 'di ba, walang kwentang blog post. Pero kung gusto mo pa magbasa, e di sige...simulan na natin.

There's a lot of thin lines nowadays. 'Yung mga contrasting things, anlapit na nila bigla. Dati mga related things lang ang may thin line. Confidence at arrogance, friendship at love, Crisp at Sunog, T-back at puwet, pizza, napkin... Ngayon pati love and hate na, morning at night, gwapo at panget (kasi kahit panget, puwede na rin manlalake/mambabae, puwede na rin magsuplada/o, puwede na rin maginarte... HANEP EH!). Ansakit sa ulo... Minsan maganda ang pagde-deviate, nawawala ang limits, umuunlad tayo. Pero lagay naman natin sa tama. Hahaha.

***

"In a relationship, nobody loves more.
When we begin to compare, either resentment, selfishness or both creeps in.
Either way, we get doomed."

Pauso ko ulet. Cute eh. May nagsabi kasi sa akin ng "I love you more". Ooops, walang issue... Ading ko ang nagsabi. So ayan ang sagot ko.  Hirap kasi pag nagbilangan na ng effort. Hindi ako magpapakaimpokrito, kung hindi man mahirap, SOBRANG HIRAP magbigay ng effort na hindi bumabalik. Pakiramdam natin sayang lang lahat. Pero sabi nga ni Papa Jack (nakikinig ako, gabi-gabi), "A relationship is not just give and take, its give and give." Ganon kasi magmahal, walang kapalit pero bigay todo. At kung hindi mo yan kaya, magisip ka. Baka hindi ka nagmamahal, baka kelangan mo lang ng hobby.

***

Dahil puro pauso ko lang naman ang post na ito, tapusin natin ito sa TULA. Writer ako, bakit. :)
Inspired ng Nakatingin sa Bituin ni Jose F. Lacaba


'Di Mahawakan
-JPG

Minsa'y lumabas upang mamasyal
'Di Mapigilang mapansin
ilang bulaklak sa hardin
Kaygandang pagmasdan
Subalit 'di ko mahawakan

Mahigpit na bilin ng ina
Huwag silang sisirain
'pagkat sila'y may buhay din
Kaygandang pagmasdan
Subalit 'di ko mahawakan

Sa gabing madilim ay napagtanto
Mga bagay na maganda
bulaklak man o tala
Kaygandang pagmasdan
Subalit 'di ko mahawakan

May mga batang dumaan
pinitas ang mga bulaklak sa hardin
Nais kong magmatapang at sila'y pigilan
walang nagawa kundi pagmasdan
Subalit 'di ko mahawakan

Kanilang pinaglaruan
isinabit sa kung saan-saan

matapos ay iniwan na lang
hanggang sa mayurakan
Kayhirap pagmasdan
Subalit 'di pa rin mahawakan
 
 
HI sa tatay kong hindi alam na hindi pinaghihintay ang malikot na utak sa pagbblog... :D